Monday, January 17, 2011

biag ni lam-ang

Don Juan and his wife Namongan lived in Nalbuan, now part of La Union in the northern part of the Philippines. They had a son named Lam-ang. Before Lam-ang was born, Don Juan went to the mountains in order to punish a group of their Igorot enemies. While he was away, his son Lam-ang was born. It took four people to help Namongan give birth. As soon as the baby boy popped out, he spoke and asked that he be given the name Lam-ang. He also chose his godparents and asked where his father was.

After nine months of waiting for his father to return, Lam-ang decided he would go look for him.  Namongan thought  Lam-ang was up to the challenge but she was sad to let him go. During his exhausting journey, he decided to rest for awhile. He fell asleep and had a dream about his father's head being stuck on a pole by the Igorot. Lam-ang was furious when he learned what had happened to his father. He rushed to their village and killed them all, except for one whom he let go so that he could tell other people about Lam-ang's greatness. 

Upon returning to Nalbuan in triumph, he was bathed by women in the Amburayan river. All the fish died because of the dirt and odor from Lam-ang's body.

There was a young woman named Ines Kannoyan whom Lam-ang wanted to woo.  She lived in Calanutian and he brought along his white rooster and gray dog to visit her. On the way, Lam-ang met his enemy Sumarang, another suitor of Ines whom he fought and readily defeated.

Lam-ang found the house of Ines surrounded by  many suitors all of whom were trying to catch her attention.  He had his rooster crow, which caused a nearby house to fall.  This made Ines look out. He had his dog bark and in an instant the fallen house rose up again. The girl's parents witnessed this and called for him. The rooster expressed the love of Lam-ang. The parents agreed to a marriage with their daughter  if Lam-ang would give them a dowry valued at double their wealth. Lam-ang had no problem fulfilling this condition and he and Ines  were married.

It was a tradition to have a newly married man swim in the river for the rarang fish. Unfortunately, Lam-ang dove straight into the mouth of the water monster Berkakan. Ines had Marcos get his bones, which she covered with a piece of  cloth. His rooster crowed and his dog barked and slowly the bones started to move.  Back alive, Lam-ang and his wife lived happily ever after with his white rooster and gray dog.

biag ni lam-ang

Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.
Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan.
Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan ito naroroon, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama.
Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito.
Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya.
Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglay ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nangamatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito.
Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang.
Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-ang kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kung ito'y makapagbibigay ng doteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga.
Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila ni Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila.
Isa parin sa kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakailangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sumunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urin ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto.
Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso.